"Tunay ngang ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan... kung tama ang kanilang natutunan!"
-Kuya Joel
MABUHAY!
Maligayang pagdating sa Neo Pinoy Text Clan Site..!
Ako si Joel R. Dela Cruz, isang Mystical Lifecoach, kumakatawan sa isang grupo ng mga indibidwal na may magkakatulad na kaisipan at nagkakaisa sa hangrin na mapaunlad ang kaisipan at kalagayan ng mga Pilipino sa pamamagitan nga mga kabataan.
Hangarin namin na paunlarin at itaas ang pamumuhay, kaalaman, damdamin at mistikal na aspeto ng mga Pilipino upang maka-buo binhi ng makabagong lahi ng kabataang Pilipino na tinatawag naming Neo Pinoy.
Ang Neo Pinoy ay mukhang mga ordinaryong kabataan lamang, pero hindi... Sila ay mga kabataan na bihasa sa makabagong teknolohiya, may kakayahang pinansiyal, independiente, malikhain at malaya sa mga maling konsepto ng kasalukuyang lipunan.
Ang Neo Pinoy ay nag tataglay ng binhi ng makabagong kulturang Pilipino, sining, siyensiya, teknolohiya at mga karunungang parapsykologikal gayun din ang metaphysikal. Ang kanilang kaalaman ay nanggagaling hindi sa mga eksperto ng ating panahon na itinuturing naming Sleep Walkers at Dreamers, kung hindi mula sa karunungan na nagpapakilos sa buong Sanlibutan bago pa nang nalikha ang lahat.
Kaya halika na..! Inaanyayahan kita na sumama sa aming paglalakbay sa Kaisipan, sa mga hiwaga ng buhay at tuklasin natin ang ating Sarili sa pamamagitan ng siyensiya ng Kasarinlan
patungo sa pagkagising at kaliwanagan...
Tunay ngang ang kabataan ang pag-asa ng bayan ... kung tama ang kanilang natutunan..!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment